Proteksyon laban sa leptospirosis
Ang leptospirosis ay puwedeng magkaroon lamang ng mild flu gaya ng mga sintomas na lumalabas sa dengue, typhoid, at viral hepatitis.
Ang mga puwedeng sintomas ay may lagnat, nagtsi-chill, masakit ang ulo, at pati ang kalamnan.
Importante na maprotektahan ang sarili at pamilya upang maiwasan ang leptospirosis gaya ng mga sumusunod:
1. Magsuot ng bota kung hindi maiwasan na lulusong sa baha. Laging magbitbit ng payong o kapote lalo na ngayong tag-ulan.
2. Tapalan ang sugat sa paa gamit ang waterproof na dressings.
3. Huwag maglalaro sa baha. Sabihan ang mga bata o anak na huwag lalangoy sa baha na maaaring may pontensyal na kontaminado ang tubig.
4. Maghugas lagi ng paa o kamay. Mas mainam na maligo o mag-shower pagkatapos sumulong sa baha.
5. Linisin ang sugat
6. Huwag hahawakan gamit ang kamay ang may sakit o patay na hayop.
7. Uminom ng malinis na tubig. Kung hindi sigurado ay pakulaan ang inuming tubig.
Kapag nakaramdam ng mga sintomas ng leptospirosis ay magpakonsulta agad sa doktor.
Kung na-expose sa kontaminadong tubig ay iwasan ang self-medication ng antibiotic, kundi magtanong sa health expert bago uminom ng gamot.
- Latest