Naniningil ng utang na loob

Dear Vanezza,

Panay ang tulong ng nanay ko sa mga kapatid at pamangkin niya. Ngayon si nanay ang nangangailangan ay hindi man lamang sila makatulong. Kahit ang mga pinsang kong pinaaral ni nanay. Ano po ang gagawin ko ngayong si nanay naman ang may sakit. – Zia

Dear Zia,

Hindi naman sa naniningil ng utang na loob, kundi puwedeng makipag-usap kung maaaring maki-share sila kahit konting halaga. Pero baka nagkataon lamang na wala rin silang pera. Kaya maghintay na lamang hanggang kusa silang mag-abot ng tulong para sa inyong ina.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments