^

Para Malibang

Mga palatandaan na susuwertehin ka!

SINUSUWERTE KA! - Fortuna - Pang-masa

Magiging mayaman ka kapag nagkaroon ng pugad ng paniki sa inyong bahay. Ang paniki ay simbolo ng kayamanan.

 Susuwertehin ka kung may nagbigay sa iyo ng pera sa new moon o full moon. Ang perang ibinigay sa iyo ay magiging good luck money. Ito ang magandang itaya sa lotto o gamiting puhunan sa negosyo.

Makakatanggap ka ng magandang balita o oportunidad kung aksidenteng naiputan ka sa ulo ng ibon.

Lahat ng plano mo ay magtatagumpay kapag nabasa mo ang inisyal ng iyong pangalan at apelyido sa sapot ng gagamba.

Huwag masindak kung makakakita ng ahas sa daan o bahay. Ibig sabihin nito ay may tao o bagay na magdadala sa iyo ng suwerte. Ang ahas ay kusang umaalis kapag naramdamang may tao malapit sa kanilang kinaroroonan kaya hangga’t maaari ay huwag papatay ng ahas.

Daratnan ka ng maraming pera kung kaliwang kamay ang nangati o nangilabot ngunit  kung kanan, gastusang umaatikabo ang mangyayari.

Mag-wish ka kung makakakita ng shooting star. Makakamtan ang wish sa loob ng 30 days.

Magsaya ka na kung ang petsa ng birthday mo ay 8, 17 26 dahil tatagal ang suwerte mo hanggang February 4, 2024. Mula 2006 hanggang sa nabanggit na petsa ay tinatawag ng mga Feng Shui expert  na period 8 na ang dala-dala ay magandang kapalaran. - Itutuloy

vuukle comment

SUSUWERTEHIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with