Restaurant sa gitna ng talon

Tayong mga Pinoy ay mahihilig kumain at mag-travel, pero paano kapag ikaw ay gutom na pero gusto mo pang maggala, lumangoy, o mag-explore?

Dito sa Labasin waterfalls na matatagpuan sa Tiaong, Quezon, Philippines, makikita ang isang kakaibang restaurant na kung saan ikaw ay puwedeng maligo at kumain at the same time.

Maaaring mapuntahan ang nasabing kainan sa paanan ng talon. Puwedeng-puwedeng magpaka­sawa ang mga lokal doon at turista sa paglangoy at pagkain.

Kamayan ang style ng pagkain sa nasabing resto, nagsi-serve sila rito ng ensalada with bagoong, lumpiang gulay, gourmet seafood, at marami pang iba.

Pagmamay-ari ng Villa Escudero ang Labasin Waterfall Restaurant, at kung ang mga turista at lokal ay napapagod nang luma­ngoy o kumain, maaari naman silang bumaba sa Villa para sa iba pang exciting activities, tulad na lang ng bamboo rafting, bird watching, at paglilibot sa rural areas gamit ang ox-drawn jeepneys.

Show comments