Wanted Perfect Husband

Dear Vanezza,

May kasamahan ako sa opis namin na nanliligaw sa akin. Okay siya at committed sa trabaho. Pero gusto kong matiyak kung siya na ba ang “the one” na hinihintay ko. Ten years ang tanda niya sa akin, pero wala yung ibang qualities na gusto ko sa isang lalaki. Kailangan bang perfect ang lahat ang qualities sa isang lalaki para magustuhan ko s’ya? Sapat ba na mas mature siya sa akin? - Daria

Dear Daria,

Bakit hindi mo muna siya kilalaning mabuti. Huwag mong asahan na makikita mong lahat ang katangiang hanap mo sa isang lalaki. Mahihirapan kang makahanap ng lalaking perpekto. Bawat isa ay may katangian at kapintasan. Kaya timbangin mong mabuti ang iyong damdamin dahil ikaw pa rin ang magdedesisyon kung siya na ba ang kakasamahin sa buhay.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments