Extra-marital affair ni misis

Sa pag-alis ng mister sa ‘Pinas upang magtrabaho sa ibang bansa, kadalasan ay naiiwan si misis kasama ang mga anak.

Sa mahirap na pagka­kataon ay nakararanas ng kalungkutan si misis sa panahon na mara­ming problema. Pero hindi ko­mo isang overseas Filipino workers si mister ay nabibigyan na ng lisensya upang magloko si misis. Naiisip marahil ng ilang misis kung kasama lamang nila si mister ay hindi siya mapapasubo sa isang matinding pangungulila o pagharap sa mga problema. Ang paghihiganti ba sa pamamagitan ng pangangaliwa na makisiping sa ibang lalaki ang solusyon sa isang problema?

Ang extra-marital affairs ay hindi magpapagaan ng iyong nararamdaman. Dapat maunawaan bilang OFW ay mas mahirap na kalagayan, kung kaya kailangang manatiling faithful sa iyong asawa. Kung mayroon mang problema ay dapat isangguni at i-share pa rin kay mister upang maging malayo man kayo sa isa’t isa ni mister ay malapit na rin kung tutuusin sa patuloy na komunikasyon na hindi na imposible ngayon.

Show comments