Priority ng ilang OFW ngayong Pasko
Priority ng ilang OFW ngayong Pasko
(Pang-masa) - December 23, 2018 - 12:00am

Ngayong Kapaskuhan ilang nanay, mister, anak, at kapatid nga ba ang na­ngungulila dahil ang mga overseas Filipino workers ay hindi makakauwi nga­yong holiday.

Gustuhin mang lumipad at magbakasyon ng OFW ay hindi puwede dahil sa hindi pa tapos ang kanilang kontrata o mas piniling huwag munang magbakasyon dahil sa mas makakatipid kahit hindi pa makasama ang pamilya. Dahil sa mas priority pa ang ilang dapat na bayaran kahit hindi makasama ang mahal sa buhay. Mabuti na lang hi-tech na ngayon na mas mabilis makausap sina mister, misis, mga anak, at iba pang miyembro ng pamilya. Pero hindi maiaalis kung wala si ina at ama sa tahanan ay mayroong pa ring negatibong impact sa mga bata. Dahil walang katumbas na regalo, bagong mga damit, gadgets, o laruan ang makasama at mayakap ang magulang.

Kailangan din magbigay ng extra effort ang magulang na ma-reach out ang kanilang teenager na mga anak. Pwedeng gamitin ang tawag sa telepono, text messages, video call, e-mail, at ibang gamit sa social media. Upang maipaliwanag nina mama at papa ang kanilang sitwasyon at mga plano sa susunod na pag-uwi ng OFW. Dapat maramdaman ng mga anak na interesado at willing na malaman ng magulang kung ano ang kanilang nararamdaman o kalagayan. Upang malayo man ang OFW ay madama pa rin ng mga anak na buo at puwedeng pa ring maging masaya kung makakausap lang ang kanilang magulang sa araw ng Pasko.

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with