Pampahaba ng pilik-mata

Ang pagkakaroon ng mahabang pilik-mata ang isa sa katangian ng pagiging maganda para sa mara­ming kababaihan. Usung-uso ang mga produkto na mabilis na makakapagpahaba ng iyong mga pilik-mata pero ito ay may kamahalan.

Samantala, mayroon din namang natural na pamamaraan para mapahaba ang mga ito. Heto ang ilan:

• Masahe – Masahihin ang paligid ng mata bago matulog para ma-relax ang iyong mga muscles. Gawin ito ng dahan-dahan bago matulog at pagkagising.

• Castor oil – Ang castor oil hindi lang sa pagpapahaba ng pilik-mata kundi maging ng ating buhok at kilay. Bago matulog, ipahid lamang ito gamit ang malinis na cotton buds sa ibabaw ng ating mga pilik mata.

• Lavender oil – Ayon sa isang pag-aaral, napatunayan nang epektibo ang lavender oil sa pagpapatubo ng buhok, ihalo lamang ito sa coconut oil at ipahid bago matulog. (kumunsulta muna sa doctor kung ikaw ay may allergy).

Show comments