Kailan mas romantic ang tao?

Ngayong panay ang ulan marami ang nakaka-miss ng pagsilip ng haring araw. Tuwing tag-araw ay  mas nagiging romantic ang mga tao. Kapag tag-init ay may high temperatures na mataas din ang energy ng mga indibidwal na natural na mas nagiging active, maingay, at nakakaisip ng maraming romantic ideas.

Ang summer ang pinakamagandang panahon para mag-picnic, maglaka-lakad sa tabi ng beach, kahit sa kakahuyan, o probinsiya. Masarap din magbisekleta, mamangka, o makipag-date na maki-bonding sa mga mahal sa buhay.

Ang sinag ng araw ay nagpapasaya. Kapag masaya ang mga tao ay handang tumulong sa ibang tao. Kumpara kung tag-ulan at laging madilim ang kalangitan ay mas tinatamad at nalulungkot ang mga nakararanas ng depression o anxiety. Maging sina lolo at lola dahil hindi nakakalabas ng bahay o naarawan man lang.

Show comments