Model ng mga Anak

Ang pagiging best ng mga magulang sa lahat bagay ay magandang ehemplo sa mga anak.  Hindi lang good character ang dapat ipaimpluwensiya sa anak kundi maging ang pagiging healthy. Magandang simula na ingatan nina tatay at nanay ang kanilang sarili. Gaya ng pagkakaroon ng sapat na tulog, pag-ehersisyo, pagkain ng mga healthy food, at paghahanap ng paraan upang malabanan ang mga negatibong pag-iisip na hindi bitter o nagsusungit. Kung gustong turuan ang anak na magkaroon ng good hygiene ipakitang nagsisipilyo sa harap ng bata. Kumain din ng gulay kaharap ang anak na sarap na sarap saka ikuwento ang benepisyo ng kalabasa, malunggay, at ibang prutas.  

Kapag inuuna ang ibang tao, hindi ito good move. Ganitong future ba ang gustong gawin ng anak? Kung hindi, huwag maging bad model sa harap ng anak, kundi alagaan muna ang sarili, bago ang ibang tao.

Show comments