May senyales ng pagkakaroon ng anger management issues. Yung tipong mad as hell na hindi mo na kayang ma-take.
• Laging bumibili ng alarm clock dahil sa kahahampas nito.
• Kilala kang sobrang mag-react na OA kung umasta.
• Mahilig manakot.
• Nagre-react o kumikilos na hindi nag-iisip.
• Negatibong mag-react sa isang supresa.
• Mahilig at sobra-sobrang magmura.
• Kahit ang iyong kaibigan ay hindi safe sa iyong galit.
• Nagagalit sa mga bad drivers, politiko, ibon, housemates, pusa, at colleagues.
• Galit sa tao kung paano kumain ng cheese. Galit kahit nice ang tao sa iyo. Galit sa lahat ng tao.
Pero minsan mayroon lang talagang pinagdadaanan.