Anak Itinatakwil ng Tatay

Dear Vanezza,

Ako po ay 18 years old. Iniwan kami ng nanay ko. Sabi ng tatay ko ay tapos na raw ang obligasyon niya sa akin. Kaya umalis na ako sa poder niya at pumasok ng katulong tutal may sarili na siyang pamilya. Kaso minamaltrato ako ng misis niya.  Ang nakakainis, lahat ng pinapasukan ko ay inaaway ng tatay ko. Natatakot tuloy ang mga taong tumutulong sa akin dahil inaaway sila ng tatay ko. Paano ko matatapos ang pag-aaral ko eh isang taon na lang ako sa senior high school? Puwede ko bang ipabarangay ang tatay ko? – Mean

Dear Mean,

Lumapit ka sa iyong kamag-anak para tulungan ka sa iyong problema. Kung takot din sila sa tatay mo ay saka ka humingi ng tulong sa DSWD para mapagsabihan ang tatay mo ng mali nilang trato sa iyo. Tama na mamasukan ka at mamuhay mag-isa para makatapos ng pag-aaral. Hanggang matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments