Hubad na Pictures Kapalit ng Kotse

Dear Vanezza,

Tumawag ang biyenan ko sa cell phone ng mister ko, sinagot ko dahil tulog ang asawa ko. Pagpindot ko ay may lumabas na pictures ng hubad na babae sa CP niya. Dealer lang daw yun ng kotse na gustong makabenta at makakuha ng quota ng sales. Iyak ako nang iyak sa sobrang sakit. Kahit balak namin na bumili ng kotse ay hindi na ako pumayag. Hinayaan kong magdusa ang mister kong magbiyahe dahil sa kalokohan niya. Tinawagan ko ang babae sa telepono, sagot sa akin ay makitid daw ang isip ko at ang mister ko raw ang kausapin ko. Matapang pa sa akin ang bruha. – Annalyn

Dear Annallyn,

Tama na hindi lang yung babae ang komprontahin mo dahil dalawa sila ng mister mo ang magkasama sa kalokohan. Kausapin mo ang mister mo na layuan ang babae. Para lumayo rin ang babae sa mister mo. Ipaalam mo rin sa asawa mo na nasaktan ka at hindi ka papayag na mangyari ito uli. Or less masisira ang pamilya ninyo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments