Anong klase kang magulang?

Part 2

 

Number 3 Parent (Birth date 3, 12, 21, 30)

Ang mga anak na ipinanganak sa mga petsang 3, 6 at 9 ang mas close sa iyong puso. Pare-parehong ambisyoso at masisipag upang makamit ang mga pinapangarap. Ang anak na may birth date na 4 or 5 ay mangangailangan sa iyo ng malawak na pang-unawa at mahabang pasensiya. Magdudulot sila ng sakit ng ulo sa inyo.

Number 4 Parent (Birth date 4,13, 22, 31)

Ang mga anak na may birthdate na 4, 1 at 5 ang bihira mong masermunan. Sakit ng ulo ang mga anak na 6 or 8. dahil mana sa iyo na matigas ang ulo. Naiinis ka sa kanya dahil nakikita mo ang iyong kahinaan sa iyong anak.

Number 5 Parent ( Birth date 5, 14, 23)

Kasundong-kasundo mo ang anak na may birth date na kagaya ng sa iyo: 5, 14 at 23. Kadalasan ay sila ang kamukha mo. Ang iyong ugali at kilos ay nakuha rin ng iyong anak. Ang anak na may birth date na 6 at 9 ay pangalawa sa iyong ka-vibes. Pero hindi kayo madalas magkaintindihan ng mga anak na may birth date na 3 at 8. (Itutuloy)

 

Show comments