Madulas na flooring

‘Di hamak na mas mura at matibay ang tiles na flooring lalo na kung pangkusina at banyo. Pero ang coated tiles ay madulas ‘pag nababasa. Delikado ito lalo na kung may mga bata at matan­da kayo sa tahanan.

Para iwas disgrasya panatilihing tuyo lagi ang tiles. Iwasan din maglagay ng mga basahang tela na maaari rin maging sanhi ng aksidente. Gumamit ng rubber mats sa banyo at ‘yung mga nabibiling may suction cups sa ilalim.

Pero kung hindi uubra ang mga nasabing solusyon. Maaaring i-treat ang tiles para siguradong “slip-free” ito. May mga spray o tile treatment na mabibili sa hardware. Halimbawa nito ang Floorsafe floor anti-slip treatment. Maaari itong gamitin sa ceramic, quarry & mosaic tiles, granite, porcelain, terrazzo at concrete surfaces.

Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!

Show comments