^

AswangTerritory (27)

Gilda Olividado (Pang-masa) - January 26, 2016 - 9:00am

HINDI kaagad nakasagot si Avia sa tanong kung paano siya maging tao, na hindi na aswang.

“Avia? Very curious lang ako. So puwede ka palang hindi na maging aswang, maging tao na ... paano?”

Tumikhim si Avia, handa nang magsalita. Afterall, nobyo niya si Armani at mahal na mahal niya.

Ano bang hindi pa niya dapat sabihin dito.

“Ah, ganito ‘yon, Armani. Para hindi na ako maging aswang...”

Hindi natuloy ang sasabihin ni Avia dahil ang lala­king aswang na nagmamasid at nakikinig lang sa kanila kanina ay bigla na lang dumaluhong kay Armani.

Agad nahawakan si Armani at tumaas ang isang kamay na kaytutulis at kayhahaba ng mga kuko, para warakin ang dibdib ng binatang hindi totoong aswang.

Nakilala agad ni Avia kung sino ang aswang. “Celtic! Huwag!”

Binalingan ni Celtic si Avia. “Hindi pala siya totoong aswang, niloko n’yo lang ako! Hindi ako papayag na mapupunta ka lang sa isang tao, Avia!”

“Wala kang pakialam, Celtic! Mahal na mahal ko si Armani! At tayo ang maglalaban kapag kinanti mo siya! Handa akong makipagpatayan sa ‘yo! Kaya bitiwan mo si Armani!”

At pumikit si Avia sabay kuha sa bulsa ng isang maliit na maliit na bote at winisikan ang katawan.

Sa isang iglap naging aswang na rin si Avia.

“AWRRRRRLLLL!” Malakas at nakakakilabot na ungol ni Avia.

Natigilan si Celtic. Hindi malaman ang gagawin. Bibitiwan na ba niya si Armani at huwag na itong kagatin?

O tuluyang patayin pa rin ang taong minamahal ni Avia?

“AAWWWWRLLLLLLL!”  Handang-handa si Avia na sakmalin si Celtic oras na kumilos ito laban kay Armani.

Nataranta si Armani. Hindi na dahil sa takot kay Celtic. Kundi sa pag-aalala na baka kapag natuloy ang laban ng dalawang aswang ay masasaktan ang kanyang mahal.

“Avia! Huwag kang makipag-away! Ayokong masaktan ka! Bahala na ako sa aswang na ito! Nakahanda ako ano man ang mangyari!” Itutuloy

ACIRC AFTERALL AKO ANG ANO ARMANI ASWANG AVIA AYOKONG HINDI HUWAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with