4 Tips sa Pagdispley ng Larawan

Ang pinag-uusapan natin dito ay mga paintings or poster na ididispley ninyo sa bahay.

1—Ang subject matter at kulay ng picture ay dapat na nagbibigay ng “good feeling”. Ang size ng picture ay dapat na “comparable” sa size ng pagsasabitang dinding.

2—Huwag gagamit ng picture ng dagat o kahit anong body of water sa bedroom dahil nakakagulo ito sa pagtulog at pamamahinga.

3—Ano ang larawang magdadala ng WEALTH? Mga mangingisda na maraming huli  habang nasa gitna ng dagat. Huwag gagamit ng tubig na may ma-laking alon dahil nagbabadya ito ng kagipitan sa pera.

4—Ano ang larawang magdadala ng suwerte sa CAREER? Lumalangoy na 8 hanggang 9 na isda. Sumisimbolo ito ng paglaki ng suweldo, promotion at healthy competition sa business. Dapat ay may isang black fish sa 8 o 9 na isda. Para maprotektahan ang iyong kalusugan at posisyon sa trabaho.

Show comments