^

Para Malibang

Island of the undead (125)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

DINIG na dinig ni Miley ang utos ni Reyna Coreana/Reyna Miley kay Blizzard. Na hatawin na siya ng malaking kahoy ng nobyo.

At itinaas na nga ni Blizzard ang hawak na kahoy.

Handa nang humataw sa nobya. Para nang nawawala sa sarili dahil sa utos ni Reyna Miley.

“Huwag, Blizzard! Alalahanin mo kung sino ako! Ako talaga ang nobya mo, ang totoong Miley! Siya ang dapat mong hatawin dahil nilalason niya ang isip mo!”

Natigilan naman si Blizzard. Habang nakatingin sa totoong Miley ay parang natatauhan.

Pero sumigaw na naman ang reyna. “Kulang pa ba ang pagniniig natin kanina, ha, Blizzard? Gusto mo bang uulitin pa natin nang uulitin? Kung gusto mo, sumunod ka sa akin! Hatawin mo na ang kaaway na ‘yan!”

Dumilim ang mukha ni Blizzard habang nakatingin kay Miley.

“Hindi na ikaw si Blizzard, hindi na ikaw ang nobyo ko na hindi marunong manakit sa akin!” Sigaw ni Miley, sabay dampot uli ng buhangin.

At isinaboy niya ito sa mukha ni Blizzard, sabay ng paghataw nito.

Hindi tumama ang kahoy kay Miley dahil nakailag siya. Dahil din nasabuyan ng buhangin sa mga mata, hindi na masyadong nakita ni Blizzard ang hahatawin.

Nakatakbo si Miley.

“Huwag natin siyang patakasin, Blizzard! Magiging salot sa atin ‘yan kapag hindi mo napatay!”

Hinabol nina Blizzard at Reyna Miley si Miley. Pero mabilis tumakbo si Miley kahit pa umiiyak ito.

“Magagawa mo pala talaga akong patayin, Blizzard! Nakalimutan mo na ang sinumpaan mong lagi mo akong mamahalin, laging ipagtatanggol!”

“Habol pa, Blizzard! Habol pa! Kailangang mapatay mo siya sa hataw! Para pagsasawain kita sa kakaiba kong alindog! Iyong-iyo ako kapag nagtagumpay ka sa misyon mong patayin ang Miley na ‘yan!”

Malapit nang maabutan si Miley.

Nawawalan na siya ng pag-asang makakaligtas pa sa mga kamay ng nobyo at ng bago nitong kinababaliwan, si Reyna Coreana.

Nang may nabunggo si Miley. Malapad na dibdib.

Na yumakap agad sa kanya protectively.

“Lorenz, tulong!”

“Ako’ng bahala, Miley! Blizzard, bago mo madapuan ng kamay si Miley, dadaan ka muna sa akin!” Itutuloy

ACIRC

ALALAHANIN

ANG

BLIZZARD

DAHIL

HABOL

HUWAG

MILEY

PERO

REYNA COREANA

REYNA MILEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with