Aksidenteng napa- ‘ebs’

Panaginip: Aksidente akong napadumi sa aking pants habang naglalakad sa mall. Hindi ako makalakad nang maayos dahil may “ebs” na nakabitin sa aking pundiyo. Kaya lang, may taong humahabol sa akin kaya pilit  kong binilisan ang paglalakad.  - Merryl

Interpretation: Ang pagdumi sa pants ay nagpapahayag na may nais kang tanggalin sa aspeto ng iyong pagkatao na sa tingin mo ay hindi maganda. Pera na biglaang darating sa iyo ang isa pang ibig sabihin niyan. Doon sa may humahabol sa iyo, nagpapahayag ito na stress ka lang at gusto mong takasan ang mga bagay na bumabagabag sa iyo.

Show comments