^

Para Malibang

Nabuntis ng iba

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Hiwalay po kami ng asawa ko sa nakalipas na 5 taon. May 3 kaming anak na nasa kanya. Siya ang may trabaho habang ako ay madalang lang ang pinagkakakitaan. Dati nagkasundo kami na ako muna ang mangangasiwa sa aking mga anak para siya ang makapagtrabaho. Pero kalaunan ay natuklasan ko buntis siya ngayon. Nabuo ito sa isang ka-fling ng mi­sis ko sa isang kasamahan sa trabaho. Pero sa kabila ng lahat, tanggap ko ang bata na itinuturing kong parang tunay na anak ko. Kinausap ko ang asawa ko para kalimutan ang mga nangyari at makapagsimula kami. Pero gusto na niyang maghiwalay kami. Aminado ako na marami akong pagkukulang bilang asawa at ama lalo na sa pinansiyal. Pero nananatiling umaasa ako na magkakabalikan kami ng aking asawa. Wala naman siyang bf sa ngayon. Mahal ko pa rin ang asawa ko at ang mga bata sa kabila ng lahat. Pagpayuhan mo sana ako. - Noel

Dear Noel,

Ang kawalan marahil ng kakayahan mo na suportahan ang pangangailangan ng iyong pamilya ang posibleng nagtulak sa iyong asawa na layuan ka. Kung talagang mahal mo ang pamilya mo, dapat sana’y pagpapaunald sa iyong kabuhayan ang atupagin mo. Paano ka babalikan ng misis mo kung nakikita niyang hindi ka naman nagbabago? Anong kinabukasan ang naghihintay sa iyong mag-iina. Sa sandaling makita na nila ang iyong pagsisikap, posibleng mabuo muli ang pamilya mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

ACIRC

AMINADO

ANG

ANONG

ASAWA

DATI

DEAR NOEL

DEAR VANEZZA

HIWALAY

PERO

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with