FYI

Marami palang pakinabang ang mapupulang sili na madalas ay iniisnab lang natin sa mga kaiinan dahil sa anghang na dulot nito. Sa pagkain ng sili makakaiwas ka pa lang magkaroon ng sakit na diabetes. Malakas din itong panlaban para hindi kumalat ang kanser sa katawan ng tao.  Makaiiwas ka pang magkaroon ng ulcers. Nagpapaganda rin ito ng kondisyon ng puso. Akalain mo bang pangpabawas din ng timbang ang siling kinakain mo. Pangkontra rin ito sa pamamaga. Nagpapalinis din ito ng bara sa daluyan ng ating ilong. Matibay din itong pang boost immunity; anti-bacterial, at puwede ring pain reliever.

Show comments