Ipot ng manok sa higaan

Panaginip: Ang ipot ng manok mula sa aming poultry ay hinakot ng aking apo patungo sa aming bed na mag-asawa. Ang aking apo ay apat na taong gulang. Nang tanungin ko kung bakit niya nilagyan ng ipot ang aming higaan, ang sagot ay naglalaro lang daw siya. Napansin kong may maliliit na uod sa unan ng aking mister. – Mommy Lola

Interpretation: Ang tae na galing sa pet (aso, pusa) at inaalagaang hayop na pinagkakakitaan ng mga tao  (baboy, kambing, baka, manok, etc.) ay simbolo ng perang kinita mula sa malinis na paraan. Ang malaking bahagi ng perang ito ay gagastusin mo sa iyong asawa.

 

 

Show comments