Nabuntis ang hindi niya gf

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa alyas Banjoe, 27 years old, single. May gf ako na mahal na mahal ko. Pero noong umabot na ng 5-yrs. ang aming relasyon ay may nakilala akong babae. Walang akong love sa girl na ito pero malakas ang sexual attraction niya sa akin. Nagkaroon ako ng relasyon sa kanya at sa kasamaang palad, siya ay nabuntis. Sa first gf ko ay wala pang nangyari sa amin cause I res­pect her. Malaking problema ko ito ngayon dahil niyayaya ako nitong second girl na magpakasal. Pagagalitan daw siya ng kanyang mga magulang. Walang kamalay-malay ang first gf ko at hindi ko masabi sa kanya dahil ayokong masaktan siya. Ano ang gagawin ko?

Dear Banjo,

Bagamat may kalayaan ang tao na gawin ang lahat ng gusto niya, dapat siyang maging matapang sa pagharap sa ano mang bunga ng kanyang ginawa. Mabuti man o masama. Nagkamali ka, dapat mo itong panagutan. Ngayon pa lang ay mag-ipon ka na ng lakas ng loob na ipagtapat sa tunay mong gf dahil malalaman din niya ‘yan. Pag-isipan mong mabuti at gumawa ng desisyon na hindi mo pagsisisihan sa dakong huli. 

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments