Huwag nang Umasa na Babalikan

Panaginip: Nasa paanan po ako ng bundok at pinapanood ko ang pag-akyat sa bundok ng ­aking boyfriend. Nanatili akong nasa paanan dahil hinihintay ko siyang bumaba mula sa bundok. Hawak-hawak ko ang kanyang t-shirt habang ako’y naghihintay. Pagbaba ng aking boyfriend ay hindi niya ako pinansin. Basta tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Totoong kaka-break ko lang sa aking boyfriend.---X’Girlfriend

 Interpretation: Ang panonood mo sa iyong boyfriend habang umaakyat sa bundok ay nagsasaad na nakaka-adjust ka na sa inyong paghihiwalay. Ang pagbaba sa bundok ay nagsasabi naman na unti-unti mo nang nauunawaan ang nangyari sa inyo. Ang paghawak mo sa kanyang t-shirt ay nagsasaad na umaasa ka pa rin na babalikan ka niya. Ngunit ang hindi niya pagpansin  sa iyo ay nangangahulugang wala ka na sa kanyang isipan.

 

Show comments