Namamanhid na ang puso

Panaginip: Sa totoong buhay ay nagbebenta ako ng yelo at ice candy. Sa panaginip ay may bumibili sa akin ng yelo. Nang buksan ko ang refrigerator ay punung-puno ito ng oranges. Nagkulay orange  pati ang aming ref.  Tiningnan ko ang freezer at natuklasan kong dalawa na lang ang yelo, lusaw na ay pisak pa. – JDV

Interpretation: Hindi ka kuntento sa mga nangyayari sa iyong buhay. Paglabanan mo ang kalungkutang nadarama mo dahil ang magiging bunga nito ay pagkakasakit. Take vitamin C. Kulang ang katawan mo nito. Emotionally, namamanhid na ang puso mo sa bigat ng problemang dinadala mo ngayon. May pagbabagong magaganap sa iyong buhay. Maganda sanang pagbabago.

Show comments