^

Fast Luck Money Bath

SINUSUWERTE KA! - Fortuna (Pang-masa) - November 18, 2014 - 12:00am

Narito ang spell kung kailangang-kailangan mo ang pera. Halimbawa, mapuputulan na kayo ng kuryente; o mapapalayas na kayo sa inuupahang bahay. Hindi effective kung ang reason ay hindi pang-emergency. Kailangan: 3 pirasong luya, 3 pirasong cinnamon sticks, isang pack ng fresh basil leaves or isang bungkos.

Paraan:

Ang spell na ito ay mainam kung sa maikling panahon ay kinakailangang magkapera ka o kinabukasan ay kailangang magba­yad ka ng utang or else may mangyyari sa iyong hindi maganda.

Balatan ang luya.

Ilagay ang luya, cinnamon sticks at fresh basil leaves sa bath tub na puno ng tubig. Kung walang bath tub, mag-improvise ka ng malaking palanggana o drum. Ibabad ang katawan sa tubig na binabaran ng herbs at magdasal na datnan ka nawa ng halagang kailangan mo sa lalong mada­ling panahon.

Pagkaraan ng 15 minutes ay umahon sa tubig. Hayaang matuyo ang tubig sa katawan. Magbihis.

Maghintay. Maniwala.

BALATAN HALIMBAWA HAYAANG IBABAD ILAGAY KAILANGAN MAGBIHIS MAGHINTAY MANIWALA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with