Kilalanin ang 12 Sun Signs

Scorpio:

Siya ay ipinanganak na “fighter” kaya hindi puwedeng apihin. Malalim siyang magmahal ngunit kapag nagalit ay nagiging malalim din. Mapanghusga ang ibang Scorpion, magagalitin at dominante kaya hindi mo basta-basta madidiktahan. Kung hindi aalisin ang ugaling suspetsosa, selosa at mapaghiganti, malamang na tatanda siyang malungkot ang buhay. Mahilig siyang sumali sa mga contest at maglakbay sa iba’t ibang lugar. Nasa kapalaran nila ang yumaman. Kaya lang ay gastador sila. Kung minsan ay mas malaki pa ang gastos kaysa kinikita.

Sexy, malapit sa mga lalaki at mapagmahal ang Scorpion lady. Sinusuwerte silang maging maganda ang buhay may asawa dahil alam nila kung paano paliligayahin ang kanilang mister. Pero huwag mong gagalitin at hindi siya mangingiming ipakita ang galit na ito saan man  kayo naroroon.

Compatible sila sa Scorpio, Pisces, Cancer, Virgo, Capricorn, Taurus. Lucky days ay Linggo, Lunes, Martes, Huwebes at Biyernes. Lucky numbers ay 3, 9, 4, 1, 2, 7. Lucky colors ay yellow, red, orange at cream.

             

Show comments