^

Para Malibang

Anong gusto niyang sabihin? (2)

Ms. Jewel - Pang-masa

Ito ay karugtong ng paksa kung anong ibig sabihin ng mga lalaki kapag ginagawa nila ang isang bagay sa babae. Narito pa ang ilan:

Sobrang magkadikit – Isipin mong mabuti kung paano ang inyong posisyon kapag kayo ay magkatabing nakaupo sa isang lugar? Kung palagi kayong magkatabi, nagpapakita ito na nais ninyong suportahan ang isa’t isa at hindi ninyo kapwa hahayaang  may gumawa ng masama sa inyong dalawa.

Hinahalikan niya ang iyong noo – Ito ang tunay na romantiko at simpatiko. Ang ganitong uri ng lalaki ay hindi lang pagluluto ng pagkain ang kayang gawin sa’yo kundi nais niyang malaman ang lahat mong naging aktibidad sa buong naging maghapon, kahit pa kasama ka niya.

Tinatanaw ninyo parehas ang isa’t isa kapag kayo ay magkakalayo ng daan – Kapag ang couple ay hindi maawat sa paglingon para tingnan ang isa’t isa, indikasyon ito na hindi ninyo binabalewala ang bawat isa at nakakaramdam kayo kapwa ng “separation anxiety”  at hindi ninyo matagalan na malayo sa paningin ang isa’t isa kahit pa alam ninyong magkikita naman kayo muli sa loob lang ng ilang minuto.

Ginagaya niya ang iyong ginagawa -  Kapag sa inyong pag-uusap ay bigla na lang kayong nagkatinginan at alam ninyo ang nais sabihin ng isa’t isa, tiyak na magkakonekta ang inyong mga isip at nagbibigay ito ng seguridad sa bawat isa na kayo ay nagmamahalan.

 

GINAGAYA

HINAHALIKAN

ISA

ISIPIN

KAPAG

NARITO

SOBRANG

TINATANAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with