Nakalbo ang tuktok

Panaginip: I’m 53 years old. Napanaginipan kong ipinagpalit ako ng aking mister sa teen-ager na pokpok. Sa sobrang kalungkutan, unti-unting nalagas ang aking buhok sa bandang tuktok. Napaiyak ako dahil naisip ko na lalong malabo ng balikan ako ng aking asawa dahil sa hitsura ko.

Interpretation: Habang nagkakaedad ka ay tumitindi ang iyong insecurities. Pangkaraniwan ‘yang nadadama ng mga babae lalo na at nasa estado siya ng buhay kung kailan tinigilan na regla, unti-unting nililitawan ng mga wrinkles sa mukha, white hair at iba pang palatandaan ng pagiging senior citizen.

Show comments