Manliligaw o Nililigawan, Knows mo ba sila? (3)

Number 4 person (13, 22,31)

Sila ang kadalasang nai-involve sa love affair na “odd and unusual”. Halimbawa, pakikipagrelasyon sa tomboy o bakla; nagiging kabit o siya ang nangangabit. Sila rin ang nakakapag-asawa ng foreigner o ‘yung ang kinaanibang relihiyon ay iba kaysa kanya. Compatible sa kanya ang ipinanganak ng February, August o June na may petsang 1, 2, 5, 7. Incompatible sa kanya ang ipinanganak ng January, May at October na may petsang 6 at 8.

Number 5 person (14, 23)

Mahilig sila sa seksi, maganda at pogi. Pisikal na nakaanyuan ang binibigyan nilang importansiya. Sa lahat ng numero, 5 ang mahilig sa sex kaya kadalasan ay nag-aasawa ng maaga. Bukod dito malakas ang kanilang sex appeal. Naaakit sila sa mga ipinanganak  ng February, May, June, September and October or may petsang 1, 4, 6, 7 and  9. Problemado sila sa mga taong ipinanganak ng January, March at December. Itutuloy

Show comments