Mga baguhang artista, kilalang-kilala ng mga mayayamang datungero!

Nadadagdagan ang female stars na suma-sideline ng booking sa mga politician at prominenteng tao lalo na kapag mayaman.

Take note na kahit isa o dalawang exposure sa TV series ang nagawa, milyon na ang rates nila, huh!

Eh may mga bugaw na rin kasing naglipana ngayon na may kontak sa showbiz kaya madali silang makakuha ng puwedeng i-book!

Kung minsan nga, mas kilala pa ng mga pulitiko o prominenteng tao ang mga baguhang artista na pa-booking, huh! Updated sila pati sa rates nila sa bayaran, huh!

Paulit-ulit na lang ang ganitong kalakaran hindi sa female stars kundi pati sa male stars din, huh!

Ruru, hindi na tinatablan ng bala!

Magastos ang mga eksenang napanood namin sa Black Rider kung saan nilusob ng mga “alakdan” ang Barangay Palangga na lugar ni Black Rider o ng bidang si Ruru Madrid.

Feeling lang namin, too good to be true ang eksena dahil ni walang isang barangay tanod o pulis na dedma sa barilan, putukan at patayan, huh!

Nangyayari pa ba ang ganyan?

Naku, isinaisip na lang naming isang fantasy ang napapanood namin! Mabigat ang katapat na show so kailangang mabibigat din ang bawat eksena kahit hindi kapani-paniwala, huh!

Tutal naman, nag-iisa lang si Ruru na lumalaban sa isang sindikato kaya bigyan na siya ng agimat para hindi tablan ng bala!

Show comments