^

Pang Movies

Lovi, ‘di nagpapasaway!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Lovi, �di nagpapasaway!
Lovi Poe

Talagang love ni Jun Lalin si Lovi Poe. Kasi nga pagdating niya mula sa short vaction, ang mga press release agad ni Lovi Poe ang hinarap niya kahit pa nga hilo pa siya sa jetlag.

Kasi nga sa mga manager na parang mga anak mo ang mga alaga mo meron ka pa ring pinaka-favorite among them. Iyon talagang parang anak mo na mas malambing, o mas masunurin. Kaya kahit sabihin mo pa na pantay-pantay ang love mo sa kanila, meron pa ring mas angat at mas love mo talaga.

Siguro sa case ni Jun si Lovi Poe ang favorite niya sa mga alaga ni Leo Dominguez. Mukha namang mabait at hindi pasaway kaya dapat lang maging fave   si Lovi Poe.

Bongga, pero sure ako love rin niya ang mga Gutierrez, or else, lagot siya kay Annabelle Rama, hah hah, bongga.

Samantala, imagine na dahil two days akong napuyat dahil sa hindi ako makatulog dahil sa grabeng hingal ko ‘pag gabi. Dahil daw sa sobrang water sa lungs ko kaya sobrang hingal ang inaabot ko.

Naku, alam n’yo ba na talagang sobra ang irritation ko sa aking health issues kaya tuloy minsan naisip ko na huwag nang magpa-dialysis, hah hah.

Natakot lang ako ng marinig ko na ‘pag tumigil sa dialysis ng three times puwede kang matsugi dahil kakalat ang mga dumi sa iyong dugo.

Naku, dusa talaga ang apat na oras per session na dalawang beses a week.

Pero hindi bale dahil 77 na ako at siguro bayad ko ito sa mga kagagahan ko ng bata-bata pa ako. Gusto ko talaga na mag-thank you sa mga doctor ko, Dr. Muñoz, Mora, Linga at Evangelista. Talagang kundi sa alaga nila siguro tsugi na ako ngayon.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with