^

Pang Movies

Yael, inalok ulit ng kasal si Karylle

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Yael, inalok ulit ng kasal si Karylle
Yael at Karylle

Sa harap ng madlang people, muling nag-propose si Yael Yuzon sa misis na si Karylle kahapon sa live airing ng It’s Showtime.

Sinorpresa ng Sponge Cola guitarist and vocalist ang misis nang bigla siyang sumulpot sa studio na at first, ang akala niya ay babatiin lang siya dahil sa successful run ng rock opera ballet niyang Rama, Hari.

Sa opening kasi ng show ay binati nina Kim Chiu, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ryan Bang, at iba pang hosts si Karylle sa tagumpay ng Rama, Hari.

Pagkatapos nito ay tinawag ni Vhong ang isang special guest na gusto ring bumati kay Karylle na walang iba nga kundi si Yael. Halatang nasurpresa ang It’s Showtime host at sambit niya sa mister, “ay kaya pala nagre-ready ka ng t-shirt.”

Sabi naman ni Yael, hindi raw sanay si Karylle na sinu-surprise siya at mas gusto raw nito na naka-plano ang araw.

Binati ni Yael ang misis at sey pa niya, “I’m very proud as your loving husband.”

Ang hindi alam ni Karylle ay may kasunod pa palang balak ang kanyang asawa na for sure ay kasabwat ang mga host.

Sabi ni Vhong, “Di ba Yael, ten years na kayo?”

Sagot naman ni Yael,  “magti-ten years na kami na kasal. And alam mo, yung thing kasi na alam mo kasal na kayo ng ten years, parang mas naa-analyze mo yung mga things through the ups and downs, mostly ups, pero sa mga downs mas naa-analyze mo yung mga things.”

Habang sinasabi ito ng singer ay nagsipuntahan na sa gilid ng stage ang mga host at iniwan na sa gitna ang mag-asawa para nga sa pasabog ni Yael.

Patuloy pa ng Sponge Cola vocalist, “Tapos kung sigurado ka back then, mas sigurado ka na now kasi meron na tayong ten years together. Pero meron akong hindi nagawa before. So, I’m gonna do it now.”

Pagkatapos nito ay naglabas ng singsing si Yael at lumuhod sa harap ni Karylle. “Will you marry me again?” tanong niya sa asawa.

Of course, Karylle answered a loud “Yes!”

Nagyakap at nag-kiss ang mag-asawa.

Tinanong ni Teddy Corpuz si Yael kung hindi ba ito nakapag-propose noon at aniya, nakapag-propose naman siya pero sa kotse lang daw.

Hindi raw siya ma-grand gesture talaga at low-profile lang daw talaga sila ni Karylle.

“First time ko yatang gumawa ng anything like this in my life,” sey ni Yael.

Nagpakasal sina Yael and Karylle in a private ceremony noong March 21, 2014 sa Silang, Cavite.

Jo, nanood ng maraming court series

Ayon kay Jo Berry, paulit-ulit at hindi siya mapapagod na magpasalamat sa napakalaking mga opportunity na ibinibigay sa kanya ng GMA-7.

Simula noong mag-artista nga naman siya ay puro lead roles ang ibinibigay sa kanya ng Kapuso network, latest of which ay ito ngang Lilet Matias: Attory-At-Law na magsisimula na sa March 4. “Yun po, unang-una, palagi ko pong sinasabi sa mga interview ko sa inyo na sobrang grateful po ako sa chance na ibinigay sa akin ng GMA at sa tiwala na hanggang ngayon, binibigyan nila ‘ko ng title roles,” sey ni Jo sa presscon ng Lilet Matias: Attorney-At-Law last Saturday.

“And napakaganda rin po, empowering siya. Sobrang grateful po ako and paulit-ulit ko po sigurong sasabihin sa inyo ‘yon. At wala rin naman ako rito kung hindi nila ko binigyan ng mga roles na ‘yon,” dagdag niya.

Pero nakaka-deliver din naman si Jo dahil ang mga serye niya ay pawang mga nagre-rate kaya naman patuloy din ang tiwala sa kanya ng network.

Tulad nga nitong bago niyang serye ay pinag­handaan naman din niya talaga pati na rin ng ibang cast. Dahil nga legal series ito na tatalakay sa mga legal cases, talagang sumailalim pa raw sila sa immersion para masigurong maiaarte nila nang tama ang mga eksena. “Nag-attend kami ng totoong hearing with the production team and Direk Adolf (Alix, Jr.) para maranasan po namin kung paano talaga ang mga nangyayari sa korte,” sey ni Jo.

“Pinapanood kami ng maraming series with guidance. Ang writers po namin, gina-guide din ng lawyers. Meron kaming attorney every time na may eksena kami sa court para mapangalagaan ‘yung bawat words, ma-sure na tama,” she added.

Magsisimula na sa March 4, 3:30 pm sa GMA Afternoon Prime ang Lilet Matias: Attorney-At-Law.

vuukle comment

YAEL YUZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with