^

Pang Movies

Alden at Catriona, nali-link!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Alden at Catriona, nali-link!
Catriona

Ba’t kaya sinasabing break na sina Sam Milby and Catriona Gray?

Dahil kaya nakakasama ngayon ni Catriona si Alden Richards?

Na ang dahilan ay ang kanilang endorsement.

Napili nga sina Alden and Catriona ng Sailun, isang kilalang brand ng gulong upang mas pagandahin ang kalidad ng buhay ng mga Filipino, para sa kanilang year-long campaign.

Nilalayon daw ng partnership na ito na i-highlight ang mga ang tibay, abot-kaya, at kaligtasan ng mga gagamit nito.

Ang tagal na pala ng brand na ito, Sailun Tire, at kilala na ito sa US and Europe na pwede sa commercial and passenger vehicles.

Actually, bagay silang ambassador nito dahil mahilig sila sa kotse.

Anyway, mahirap pangunahang hiwalay na sina Catriona and Sam. Na-engaged sila last year at hindi naman siguro sila mag-aala Dominic Roque and Bea Alonzo.

Sa kasalukuyang ay abala sina Catriona at Alden sa partnership nila sa Sailun.

Sampaguita Studios, naibenta na

Maraming nalungkot nang magsara ang Sampaguita Events Place.

Dati itong Sampaguita Studios ng original starmaker na si Dr. Jose R. Perez na nagpasikat sa mga iconic star tulad nina Gloria Romero, Susan Roces, Amalia Fuentes, Paraluman, Lolita Rodriguez, Rita Gomez, Daisy Romualdez Bella Flores, Eddie Garcia, Juancho Gutierrez, Ric Rodrigo, Dolphy, Oscar Moreno, Eddie Gutierrez, at marami pang iba na hindi na kilala ng bagong henerasyon.

Hanggang ginawa itong events place almost 10 years ago.

Maraming ikinasal sa nasabing lugar at marami ring showbiz events na ginanap sa dating film studio ng pamilya Vera Perez.

Ang ganda ng garden nito na ginagamit noon sa mga pelikulang ginagawa na may tulay at chapel pa kaya sound stage na ang dating nito.

Pero nabili na pala ang nasabing property at tatayuan na ito ng isang condominium building.

Bagama’t ang sabi ay hindi pa fully paid ang nasabing historical area.

At hindi rin naman daw gigibain ang original house sa lugar na isang makasaysayang lugar sa industriya ng Pelikulang Pilipino.

Ba’t kaya imbes na patayuan ito ng condominium ay gawin na lang itong film museum?

Sayang ang mga alaala sa nasabing lugar ng pelikulang Pilipino.

Ang dami nang condo building sa Metro Manila sa totoo lang.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with