^

Pang Movies

Barbie, iniyakan ang pasalubong ni Taylor

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Barbie, iniyakan ang pasalubong ni Taylor
Barbie

Naging emosyonal ang Kapuso actress na si Barbie Forteza nang bigyan siya ng merch mula sa Eras Tour ni Taylor Swift ng kanyang kapwa Sparkle star na si Rain Matienzo.

Binahagi ng karelasyon ni Jak Roberto ang mga litrato ng binigay sa kanyang shirt at friendship bracelet na dala ng kaibigan nang dumalo ito sa concert ni Taylor sa Australia.

Meron pa nga raw itong kasamang letter na, “I hope na mai-laban mo ang Eras Tour, but as of now, I’ll bring a part of the Eras Tour to you – yung blue bracelet nakuha ko from someone na na naka-exchange namin nung concert, and ginawan din kita w/ your name,” na siya lalong nagpaiyak sa aktres.

Mukhang solid fan ni Taylor ang dalaga at siguro nga abala ito sa kanyang mga commitment kaya hindi siya nakanood.

Anthony at Rossel, may malasakit

Alam n’yo ba na sobrang laki ng gratitude ko kina Anthony at Rossel Taberna. Grabe ‘yung mula nang magkasakit ako at nalaman nila na comfort food ko ‘yung champorado at macaroni soup na sa Ka Tunying binibili ni Gorgy Rula talagang nagbigay sila ng instruction na huwag nang pabayaran ‘pag kinukuha sa resto.

Sobrang bait ng mag-asawang Anthony at Rossel Taberna na hindi ko naman nakakausap o nakikita pero binigyan na agad ako ng malaking pabor.

Talagang isa ito sa hindi ko malilimutang utang na loob talaga. Mga ganitong bagay ang talagang matindi ang kabog sa puso.

Forever grateful Anthony and Rossel Taberna. Hinding-hindi ko ito kalilimutan.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with