^

Pang Movies

Raket sa 4Ps at TUPAD meron pa ba?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

IKINAKABIT sa kaso ng korapsyon ang ilan sa mayor at barangay officials sa mga nakaraang pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD at Tulong Pang­hanapbuhay sa Ating­ Disadvan­taged/Displaced workers (TUPAD) ng DOLE. Ulitin pa kaya?

Ang mga proyektong tulad ng 4Ps at TUPAD ay pama­ma­hagi ng ayuda ng gobyerno pero inabuso ng mga lokal na opisyal kabilang ang barangay officials at ginagamit daw ito sa pamumulitika. Siyempre naman!

Nagiging benepisyaryo ng 4Ps ang hindi naman talaga nakabilang sa naghihirap na mga pamilya kundi mala­lapit na kamag-anak at malalaking bilang ng pamilyang botante sa nasasakupan nila. Ang totoong naghihikahos ay hindi nakakasali sa listahan dahil kalaban daw sila nina “Kakawat at ni kupitan”. He-he-he!

Malaki pa ang naibubulsa ng nangasiwa ng TUPAD Program kaysa aktuwal na ipinapasahod sa mga benepis­yaryo. Duplikado na diumano ang listahan, dinagdagan pa ang bilang ng araw na ipinagtrabaho. Perang maliwanag ngaaa!

May nakalaang P112 bilyon sa 4Ps ang DSWD at P13 bilyon sa TUPAD ang DOLE para sa 2024. Malamang na ipinaglalaway na naman ito ng mga opisyales na may masasamang budhi. Mantakin n’yo nga naman, may makinarya na, may mamadyikin pa.

Naglaan din ang gobyerno ng P500 bilyon na pondong pang-ayuda para sa mahihirap na Pilipino para sa 2024. Harinawang hindi nila gamitin ito para sa pamumulitika!

vuukle comment

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with