^

Pang Movies

KC, ninega ang Valentine 

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
KC, ninega ang Valentine 
KC

Ang sama siguro ng gising ng netizen na nag-comment ng “Hindi mo deserve ang araw na ‘to” sa post ni KC Concepcion sa natanggap na bouquet of red roses, balloon na may “Happy Valentine’s Day” gree­tings.

Tanong nga ng followers niya, ano raw ba ang nagawa nito para makatanggap ng mean comment sa netizen na hindi naman kilala nito.

Ang sweet pa nga ng caption niya sa kanyang post na “If only everyday could be this sweet. Happy hearts day,” pagkatapos, may magko-comment ng hindi kagandahan.

Actually, hindi lang ang mean comment na ‘yun ang nagpasira sa masayang post niya dahil sa nag-comment na “So sweet you guys deserve each other” na ang tinutukoy ay ang boyfriend ni KC na si Mike Wuethrich, may sumagot ng “I hope so” at “They’re not a couple. It just seem like it.” May iba pang nega comments sa boyfriend niya na hindi natin alam kung nabasa na niya o hindi pa.

Ang daming nakialam sa happy post ni KC, ayaw ba nilang maging masaya ito? But reading most of the comments, mas marami ang happy for her at wish nilang magkaroon na ito ng pamilya at bigyan na ng apo sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Pokwang, kinumpara sa tanod

Na-bash na naman si Pokwang dahil bumisita na naman sa Instagram ng ex niyang si Lee O’Brian at sinagot ang netizen na nag-comment na pinaringgan siya. Nag-post kasi si Lee ng photo nila ng anak na si Malia at may caption na “Happy Valentine’s Day to you, my Malia!! You’re always in MY heart and I love you!!”

Comment ng isang netizen, “No matter what, take care of Malia. Who cares about the mother. I still support you no matter what happens. Team Lee!” Sumagot si Pokwang ng emojis ng laughing man at doon na siya binanatan ng supporters ni Lee.

Pero atawa kami sa comment ng isa pang Team Lee na para raw barangay tanod si Pokwang na laging nakabantay sa comment sa IG nito. Sa comment na ibenta raw nito ang property ni Pokwang sa Bataan, ipinaalala sa nagpayo kay Lee na hindi nito property ang beach house sa Bataan at solo ni Pokwang ‘yun.

Paulo, 2 ang pabulaklak kay Kim

Dalawang bouquet of flowers pala ang bigay ni Paulo Avelino kay Kim Chiu at kanyang ibinigay noong Feb. 13 and 14. Bouquet of red roses ang bigay nito kay Kim sa taping nila ng What’s Wrong with Secretary Kim at kung saan, pati ang female staff at mga beki na kasama sa taping ay binigyan din niya ng single stem red rose.

Bouquet of pink roses naman ang ibinigay ni Paulo kay Kim noong Valentine’s Day at pinost ni Kim ang bouquet pati ang note na kasama. Nakasulat sa card ang “Okay lang walang boyfriend, may flowers ka naman.” Sagot ni Kim, “Copy po!”

Naka-sign sa card ang letter “P” na ginawa pang biruan ng netizens. Baka raw si Piolo Pascual ang nagpadala ng flowers kay Kim at hindi si Paulo. Ang iba naman, inalam kung ‘yun ba ang penmanship ni Paulo para siguradong siya nga ang nagpadala ng boquet of pink roses.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with