^

Pang Movies

Kim at Paulo, may Valentine date

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kim at Paulo, may Valentine date
Paulo at Kim

Na-interview si Xian Lim sa isang event kasama ang co-stars niya sa Love. Die. Repeat na sina Valeen Montenegro at Jennylyn Mercado. Ang dalawang girls, natanong sa gagawin nila sa Valentine’s Day at ngayong araw na ‘yun.

Wala pang naisagot si Jennylyn dahil may shooting daw siya at baka nga dalawin na lang siya ni Dennis Trillo sa shooting para magkasama sila sa Araw ng mga Puso.

Sagot naman ni Valeen, magiging espesyal ang Valentine’s Day na this year dahil bagong kasal siya at makakasama niya ang kanyang husband. Masaya pa nitong ipinakita ang kanyang wedding ring.

Pagdating kay Xian, hindi siya natanong tungkol sa gagawin sa Valentine’s Day dahil single siya at break na nga sila ni Kim Chiu. Ang itinanong sa kanya ay kung paano nila sinelebrayt ng kanyang pamilya ang Chinese New Year?

“The usual, kumain lang kami,” sagot ni Xian na naka-smile.

Sa sagot niya na ‘yun, nalungkot ang KimXi fans nila ni Kim dahil alam nila na kung may relasyon pa ang dalawa, siguradong magkasama sila. Baka nga sa Chinese New Year, magkasama rin sila.

Lalo pang sasakit ang mga puso ng KimXi fans kung sina Kim at Paulo Avelino ang magka-date this Valentine’s Day na hindi malayong mangyari ‘yun.

KathNiel, dedmahan sa contract signing

Coincidence lang ba na parehong wala sa Manila o sa Quezon City ang mag-ex na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang pumirma sila ng kani-kanyang kontrata sa ABS-CBN? Sabi tuloy ng kanilang fans, parang iniwasan ng dalawa na makibalita sa kani-kanyang contract signing.

Nang pumirma si Kathryn ng kontrata sa ABS-CBN, nasa Siargao si Daniel at nagtagal siya roon. Nang si Daniel naman ang pumirma sa Kapamilya Network, nakalipad na pa-Melbourne, Australia si Kathryn para manood ng concert doon ni Taylor Swift.

Ang kanyang fans ang nag-react at hindi nila nagustuhan na binanggit at pinasalamatan siya ni Daniel. Ang feeling nila, ginamit nito si Kathryn, bagay na inalmahan ng fans ni Daniel.

Sa sinabing gamit na gamit niya si ito, hindi raw ba puwedeng magpasalamat sa dating ka-love team at ex-GF? Kung gusto niyang magpa-victim, sana umiyak siya sa contract signing at dinepensahan ang sarili, sinisi si Kathryn at nagpaawa. Mga bagay na hindi ginawa nito.

Nag-thank you raw si Daniel, hindi nag-I love you, hindi nag-I miss you at lalong walang sinabi na he wants Kathryn back. Ang pakiusap ng neutral Kath­Niel fans, mag-move on na ang mga nasaktang fans para mas masaya ang kanilang buhay.

Isabel, Kapuso na ulit

Balik-GMA si Isabel Oli-Prats na from being a Kapuso, lumipat sa ABS-CBN at ngayon after a long time, she’s back at GMA. Kasama siya sa cast ng Lilet Matias Attorney at Law na magpi-premiere sa March 4, 3:20 p.m.

Siguro naman may blessing ng asawang si John Prats ang pagbabalik-Kapuso niya na matagal na-miss ng Kapuso fans.

And speaking of Isabel, mala-K drama ang concept ng anniversary message niya kay John sa 11th anniversary nila. Part ng message ni Isabel, “Cuff @johnprats, you bring so much love and joy into my life, and I’m grateful for you and every moment we share. You will always be my crush. Love you po... Happy 11th po.”

vuukle comment

VALENTINE’S DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with