^

Pang Movies

Akting ni Liza, napuri ng Hollywood produ!

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Akting ni Liza, napuri ng Hollywood produ!
Liza at Kathryn

Mukhang may magandang future si Liza Soberano sa Hollywood dahil nagmarka sa American director at producer na si Joe Russo ang performance nito sa Hollywood movie na Lisa Frankenstein.

Sa X (formerly Twitter), nag-post si Joe ng magandang review sa naturang pelikula na tinawag niyang “great vehicles to break new stars.”

Ayon pa kay Joe, nakahanap ng “superstar” ang direktor ng pelikula na si Zelda Williams at screenwriter na si Diablo Cody sa katauhan ni Liza na, “who steals every scene she’s in as Lisa’s step-sister, Taffy.”

Si Joe at kapatid niyang si Anthony, ang mga nasa likod ng mga Marvel movie tulad ng Avengers: Endgame.

Pinuri rin si Liza ng co-star niya sa pelikula na si Kathryn Newton (Blocked, Ant-Man) sinabing “always perfect” ang Pinay actress at wala na umanong babagay na gumanap sa papel na Taffy kung hindi siya lang.

Ang Lisa Frankenstein ay inspired sa gothic novel Frankenstein ng English writer na si Mary Shelley.

Ang pelikula ay tungkol kay Lisa na gina­gampanan ni Kathryn, na isang misunderstood teenager, at ang kanyang high school crush na ginagampanan ni Cole Sprouse (Riverdale) na isang guwapong bangkay.

Mapapanood sa mga sinehan sa Pilipinas simula sa Pebrero 7 ang Lisa Frankenstein.

Cristine, ‘di pinag-ingay ang annulment

Naging quiet lang si Cristine Reyes tungkol sa pagkaka-annul ng marriage niya kay Ali Khatibi. 

Sey ni Cristine: “Hindi ko naman siya in-announce. It’s not something I should celebrate.”

Taong 2016 nung kinasal ang aktres sa mixed martial arts expert. 2018 naman noong mabalitang may problema sa samahan nila. May isa silang anak named Amarah.

Noong 2023, naging Instagram official ang relasyon niya kay Marco Gumabao. Five years ang age gap nila kaya tinatawag si Cristine na cougar sa social media.

Naging trending ang quote ni Cristine na, “Ano ako cougar?” matapos na maging sila ni Marco at tila binawi ng aktres sa kanyang sinabi. Nag-post din siya ng photo nila ni Marco na may caption na: “Definitely not Tropa anymore.”

Nagbiro pa si Marco kay Cristine: “All her friends were messaging her, naiinis siya, napipikon talaga siya. Kasi kapag nakikita mo ‘yung hitsura niya napipikon siya kapag sine-send ng mga tao o inasar siya. Parang kinain niya ‘yung sinabi niya.”

Kaya careful na raw si Cristine sa mga sinasabi niya para ‘di bumalik sa kanya.

We Are The World, binuhay ang alaala

Ang lakas maka-throwback ang Netflix docu na The Greatest Night in Pop na tungkol sa pagbuo ng 1985 hit charity single na We Are The World ng USA for Africa sa isang gabi lamang.

Sa isang recording studio in Hollywood naganap ang session na kinabilangan ng biggest singers noong panahon na iyon tulad nina Lionel Richie, Diana Ross, Billy Joel, Bruce Springsteen, Dionne Warwick, Steve Perry, Bette Midler, Willie Nelson at marami pang iba. Nagsimula sila ng ala-una ng madaling-araw at natapos ng alas-ocho ng umaga.

Nakakalungkot lang dahil pumanaw na ang ibang singers ng We Are The World tulad nina Michael Jackson, Tina Turner, Kenny Rogers, James Ingram, Al Jarreau, Harry Belafonte at June and Ruth Pointer ng The Pointer Sisters. 

Maraming behind-the-scenes na pinakita sa docu tulad ng pagiging lasing ni Al Jarreau, ang pag-snub ni Prince sa session, ang pag-walk out ni Waylon Jennings at ang paghubad ni Cyndi Lauper ng kanyang accessories dahil nakaka-interfere sa recording. 

Naging big hit ang We Are The World sa buong mundo at higit na 20 million copies ang nabenta. At naging 9th best-selling physical single of all time. Nanalo pa ito ng 4 Grammy Awards including Record of the Year in 1986. 

Naka-raise ang single ng $63 million ($168 million today) para sa humanitarian aid in Africa and the United States.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with