^

Pang Movies

Newbie actor, nahanap ang tatay sa Belgium

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Newbie actor, nahanap ang tatay sa Belgium
Michael at Bruce

Naging masaya at kumpleto ang nagdaang Pasko at Bagong Taon ni Bruce Roeland dahil naayos ang relasyon niya sa kanyang Belgian father na si Michael Roeland.

Sa Belgium nagdiwang ng Pasko at Bagong Taon ang Sparkle actor para maka-bonding niya ang kanyang ama.

Ayon kay Bruce, malapit siya noon sa kanyang ama hanggang sa bigla na lamang itong nawalay sa kanila.

“I messaged him on Facebook and he reached out to me back and then one thing led to another nakabili kami ng ticket and I went to Belgium. All is good.”

Kaya noong makabalik ng Pilipinas si Bruce dala niya ang maraming good memories kasama ang ama. Balik-trabaho na rin ang aktor dahil dalawa ang shows niya sa GMA: Asawa Ng Asawa Ko at Open 24/7.

Nikki, nakaabang din sa Dragon

Kabilang sina David Licauco at Nikki Co sa ini-embrace ang nakagisnan nilang tradisyon tuwing sasapit ang Chinese New Year.

Kahit na kinalakhan na nila ang pagiging Pinoy, hindi pa rin daw nawawala ang mga paniniwala nila sa Chinese New Year.

Tulad ni David, inaabangan niya talaga ang dragon dance dahil nagdadala raw ito ng suwerte tulad ng pagregalo niya ng tikoy.

Isa raw sa importanteng gawin sa Year of the Dragon ay ang masayang bon­ding with family.

Oppenheimer, hakot ang Oscar nominations

Ang pelikulang Oppenheimer ang nanguna sa may pinakamaraming Oscar nominations sa taong ito. Nakuha nito ay 13 nominations.

Nasundan ito ng Poor Things (11), Killers of the Flower Moon (10) and Barbie (8). Ang iba pang kalaban nila for Best Picture ay American Fiction, Anatomy of a Fall, The Holdovers, Maestro, Past Lives and The Zone of Interest.

In-announce ang official nominees in all 23 categories nila Zazie Beetz and Jack Quaid sa Samuel Goldwyn Theater.

Kabilang sa na-snub ng Oscar voters ay sina Leonardo DiCaprio, Margot Robbie, Greta Gerwig, Barry Keoghan, Rosamund Pike, Alexander Payne, Charles Melton at ang pelikulang The Color Purple.

The 96th Academy Awards will air live on ABC on March 10 from the Dolby Theatre at Ovation Hollywood. Si Jimmy Kimmel ang mag-host ng awards night for the fourth time.

vuukle comment

NIKKI CO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with