^

Pang Movies

‘Nawala na ang guilt ko kay Bea…’

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
�Nawala na ang guilt ko kay Bea��
Bea Alonzo

MANILA, Philippines — Natuwa naman ako na nagkita at nagbati na kami ni Bea Alonzo. Nagsimula lang naman iyan sa Start-Up na pinagsamahan nila ni Alden Richards. Bashing ang napala ko dahil doon, at sa kagagahan ko pinatulan ko naman na ang naging biktima si Bea Alonzo.

Kaya nga nang ma-realize ko na mali ako, noon pa balak ko nang mag-apologize kay Bea at nangyari iyon sa birthday ni Rhea Tan ng Beau­tederm. Kaya natuwa ako dahil now nawala na ang guilt ko kay Bea pero galit pa rin ako sa mga Ugly Fat Ladies na hanggang ngayon nakatanga sa paligid ni Bea, hah hah.

Samantala, siguro nga na sobra busy si Rhea Tan ng Beautederm kaya medyo nakalimot siya ng konti at ewan ko kung bakit ang mga wish para sa kanya ay peace of mind and calmer heart. Para bang merong personal problem na hinaharap ngayon si Rhea Tan.

Sana naman ngayon na ang lakas ng Beautederm maganda rin ang personal life ni Rhea Tan. Naniniwala ako na hindi naman nagbago ang ugali ni Rhea at ganun pa rin siya ka-sincere na tao, kaya nga lang talaga siguro busy siya at sobra na ang pagod sa trabaho kaya nalilito na rin kung minsan.

Konti lang ang nasa circle of friends ko, at hindi ko sila iiwan kahit kelan. Hindi mahalaga sa akin ang mga fleeting acquaintance na madaling iwanan dahil hindi naman nagmarka sa buhay ko. Saka active o inactive ako sa showbiz tiyak ko na hindi ako mawawalan ng koneksiyon dahil malalim ang naging ugat ko sa mga naging kaibigan ko.

Ang lahat ng naging close ko hindi lang kaibigan kundi family. At walang puwedeng magsabi na naging abusado ako sa bilang friend.

I feel sad nga ‘pag ‘yung iba akala irrelevant na ako. I know it will be their loss in the end.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with