^

Pang Movies

Kean, inalala kung bakit lumayas sa Starstruck!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kean, inalala kung bakit lumayas sa Starstruck!
Kean

Kasama pala sana noon si Kean Cipriano sa StarStruck season 3 pero nag-back out siya.

Ipinakita ni Boy Abunda sa kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda ang video ng naging audition nito sa reality talent search noon ng GMA.

Inamin naman ng mister ni Chynna Ortaleza ang rason ng kanyang pag-back out kahit pa kasama na siya sa final 14 noon.

Ayaw niya pala talagang maging artista, at ang nanay lamang niya ang may gusto noon. Kaya raw magkaaway sila noong mag-audition siya dahil napipilitan lamang daw siya.

Mas pinili niyang layasan ang StarStruck at ituloy ang kanyang pagbabanda kung saan siya masaya.

Pahayag niya, “Kasi mas gusto ko na i-pursue ‘yung music. Mas parang gusto ko nang sumugal at tumalon sa pagbabanda, pagsusulat ng kanta, mas gusto ko na ‘yun.”

Wala naman siyang dapat pagsisihan ngayon dahil tama naman ang na­ging desisyon niya at natupad ang pangarap niyang maging sikat na singer. Bukod pa roon ay naging aktor din siya at naging bahagi pa ng mga pelikula at teleserye na gusto ng nanay niya para sa kanya.

Manager na si Kean ng ilang music artists ngayon kasama ng misis niyang si Chynna. Bongga.

vuukle comment

KEAN CIPRIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with