^

Pang Movies

Bea at Alden nagsalita sa kanilang gap!

Joe Barrameda - Pang-masa
Bea at Alden nagsalita sa kanilang gap!
Bea Alonzo at Alden Richards

MANILA, Philippines — Bongga ang upcoming talent competition na The Battle of the Judges na magsisimula na sa Sabado, July 15, GMA 7. Preskon pa lang ay ramdam na namin ang bardagulan ng mga judge na sina Boy Abunda, Annette Gozon-Valdes at Bea Alonzo para lang sa mga alaga nila na feeling nila ay dapat manalo.

Wala sa preskon ang isa pang judge na si Jose Manalo dahil nasa Amerika sila ni Wally Jose for a show.

Kaya how much more kung nandun si Jose na kinatatakutan ni Boy Abunda.

At sa  balitaktakan nila ay pantay-pantay at walang boss.

Si Alden Richards na host ng nasabing programa ay saksi sa kanilang bardagulan ng mga judge at nakita niya ang pagiging fair nila. Kaya nagpapasalamat si Alden na naging parte siyang programa at hinahangaan naman siya ng mga judge kung paano niya naha-handle ang pagiging host nito.

Samantala, nilinaw ni Bea Alonzo na walang silang alitan ni Alden na matagal nang kumakalat sa showbiz.

Hindi natuloy ang pelikulang pagtatambalan sana nila ni Alden. Ayon kay Bea ay sobrang busy siya ngayon at maraming project na nakapila at mga gagawin kaya kinailangan niyang tanggihan ito.

Alam ni Bea na may edad na siya pero wala pa silang  planong magpakasal ni Dominic Roque bagama’t napapag-usapan na rin daw naman nila ito. Maski raw ang mama niya ay kinukulit na siya at gusto nang magkaroon ng mestisong apo.

Bukod sa Battle of the Judges ay abala si Bea sa taping niya ng bagong teleserye at natutuwa siya sa balik-tambalan nila ni Dennis Trillo na huli niyang nakatambal sa ABS-CBN.

At gaya ni Bea ay mariing itinanggi ni Alden na may away sila ni Bea. Clueless siya kung saan nanggagaling ang mga chika na ganun. Maski yung sa tambalan nila ni Julia Montes or Julia Barretto ay wala pang nakakarating sa kanya.

Ang natapos pa lang niya ay ‘yung pelikulang kasama si Sharon Cuneta na isa sa napili para sa 2023 Metro Manila Film Festival.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with