^

Pang Movies

Beauty, puring-puri si Sen. Bong

Joe Barrameda - Pang-masa
Beauty, puring-puri si Sen. Bong
Beauty Gonzalez

Sobra ang pasasalamat ni Beauty Gonzalez sa sunud-sunod na projects niya sa GMA 7.

Simula nang lumipat siya sa GMA ay hindi siya nababakante.

At ngayon nga ay kasama siya sa Walang Matigas Na Pulis sa Mati­nik na Misis ka-partner ni Senator Bong Revilla.

At totoo naman magaling siya although may kaba raw siya sa umpisa dahil first time niyang nakatambal si Senator Bong.

Pero nawala raw lahat ng kaba niya dahil sa pag-aasikaso sa kanila sa set ng aktor/pulitiko.

Sa totoo lang, malaking bagay din ang magkaroon ng project si Sen. Bong sa GMA dahil marami siyang kapwa artista na natutulungan gaya nina Jeric Raval, Niño Muhlach, Dennis Padilla, Bembol Rocco, ER Ejercito at Carmi Martin. Bukod diyan ay kasama rin si Max Collins, Raphael Landicho, Kelvin Miranda, Kate Valdez at marami pang iba.

Joshua, ‘di first time sa GMA

Bugbog ang exposure ng mga artista ng ABS-CBN sa mga programa ng GMA dahil sa teleseryeng Unbreak My Heart.

Tulad ni Joshua Garcia na second time na palang nakatungtong sa Kapuso Network. Ang una raw ay hindi pa siya artista at nanood siya ng live show ng GMA Sunday noontime show noon na Party Pilipinas. Pumila pa raw siya noon.

Max, may basbas ni Pancho ang pag-amin sa kanilang hiwalayan

Open na ngayon si Max Collins na pag-usapan ang matagal nang paghihiwalay nila ni Pancho Magno. Maganda raw ang paghihiwalay nila at okay ang pag-aalaga nila sa kanilang anak.

May blessing daw from Pancho na maging open na siya sa sa nangyari sa kanila. Kaya maganda ang relasyong co-parenting sa anak nila.

Nasanay na raw ang anak sa setup na minsan na kay Pancho at hindi naman daw nagtatanong ang bata.

vuukle comment

BEAUTY GONZALEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with