^

Pang Movies

Ruffa, tanggap ang pamamahinga ng M.O.MS   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ruffa, tanggap ang pamamahinga ng M.O.MS          
Ruffa

Nagsalita na si Ruffa Gutierrez tungkol sa talk of the town nga na pagsasara ng show nilang M.O.Ms (Mhies on a Mission) nina Ciara Sotto and Mariel Rodriguez sa ALLTV.

Sa mediacon ng upcoming film na Martyr or Murderer na idinirehe ni Darryl Yap, na-korner ng entertainment si Ruffa at hiningan ng pahayag tungkol sa issue. “They spoke to us and I believe it’s not a ‘goodbye.’ I think it’s a ‘see you later.’ So, para sa akin, kinausap kami, sabi magpo-pause daw muna sila for a couple of months for them to fix their signal,” simula ni Ruffa.

“So I think it’s internal, and para sa akin, that’s normal. That’s expected if you’re launching a new business, a brand, what more a station, ‘di ba you’re gonna go through some pains? Hindi naman right away, magiging successful kaagad ‘yon,” dagdag pa niya.

“Hindi naman po ako ang may-ari ng istasyon at hindi ko masasagot ‘yan. I think we should wait for the official announcement of AMBS and ALLTV. Basta ang masasabi ko lang, na para sa akin, I am network-friendly.”

Thankful din ang aktres na kahit nga pansamantalang tigil ang programa ay babayaran naman daw sila sa kanilang napagkasunduan sa kontrata.

“Napaka-grateful ko rin sa mga Villars kasi kahit nag-pause kami, we’re still being compensated. So, ‘di ba, napakabait ng mga boss? So, para sa akin, napaka-grateful ko, kasi hindi naman namin kasalanan kung may problema sa signal.

“Ang importante sa akin, kay Mariel at kay Ciara, we do our best and maganda ‘yung show namin, at naniniwala ako na ‘pag naayos ‘yung signal, magiging successful din ‘yon,” sey niya.

Nilinaw rin niyang in-assure sila ng management na magbabalik pa sila at hindi totoong kanselado na nang tuluyan ang show.

“May assurance po, sinabihan kami. Hindi naman kami pinalayas. Kasi if it’s true, they would have said na tapos na, na hindi na kaya,” aniya.

“Kasi, nag-advance taping naman kami, hindi naman po kami live. Like for three weeks, meron pa kaming ipapalabas na mga bagong materyal and in a few months, ang sabi, aayusin lang nila ‘yung mga internal and of course, we respect that,” aniya.

Habang pansamantalang naka-pause ang M.O.Ms ay pwede naman daw siyang tumanggap ng show sa ibang network since freelancer naman daw siya. In fact, may offers na nga raw plus busy rin siya ngayon sa promo ng Martyr or Murderer kung saan ay ginagampanan nga niya ang papel ni iconic former First Lady, Imelda Romualdez-Marcos.

Ang Martyr or Murderer ay sequel ng blockbuster film na Maid in Malacañang both written and directed by Darryl Yap and has the same lead cast tulad nina Ruffa, Cesar Montano, Cristine Reyes, Ella Cruz and Diego Loyzaga. Mapapanood na ito sa mga sinehan ngayong March 1, 2023.

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with