^

Pang Movies

Willie Revillame, bagong pinuno raw ng mga pa-victim!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Wagas ang panunumbat ng TV host na si Willie Revillame sa mga taong diumano’y natulungan niya pero ngayon ay binibira-bira siya pagkatapos na mawala sa ere ang programa niyang Wowowin.

Nanggagalaiti ang TV host sa kanyang programa at talagang aaraw-arawin niya raw ang mga ito.

“Hindi na ako matatakot sa inyong lahat! Laban na ito kung laban. Masyado n’yo na akong inaapi. Masyado n’yo na akong sinasaktan. Hindi ako susuko sa inyo,” umpisa niya.

“I-vlog n’yo ako bukas! Pagtulung-tulungan n’yo ako, hindi ako natatakot! ‘Yun ang gusto n’yo? Okay lang, sige!

“Tirahin n’yo ako araw-araw, minu-minuto, I don’t care! Kayo ang may utang na loob sa akin! Hindi ako! Tandaan n’yo ‘yan sa buhay n’yo!,” banggit pa nito na lutang ang nararamdamang galit.

“Bukas! Kahit ngayon, i-vlog n’yo ako. Araw-araw ko rin sasabihin kung sino kayo! At sasabihin ko ang mga pangalan ninyo, in time! Kung sino kayo!,” pagbabanta pa ng TV host na ngayon ay sa YouTube na lang napapanood ang kanyang game show.

 “Meron lang ho ako maikuwento. Alam n’yo, maraming mga naglalabasan ngayon na medyo talagang winawasak ang pagkatao ko, sinisiraan.

“Maikuwento ko lang sa inyo, meron akong mga taong minahal at tinulungan. May binigyan ako na isang unit dito (Wil Tower). Unit ng condominium, binigyan ko pa ng kotse.

“Malapit ho sa akin ‘yan. Sinabihan pa ako na mayabang ngayon. Isipin n’yo ang mga ginagawa sa akin ng mga taong ‘yan. Uulitin ko po, ‘yan. Totoo ‘yan! Bukas iba-bash n’yo ako? Bukas, sasabihin ng lahat, mayabang!

 “Mayabang? Binigyan kita ng isang unit, condominium sa Wil Tower! Regalo ko sa ‘yo. Binigyan kita ng brand new na kotse.

“Ngayon, sasabihin mo sa vlog mo, mayabang ako? Kapag may kailangan ka, may hinihingi ka sa akin na tulong, ‘Lapitan mo ito, anak. Bigyan mo ito ng one million.’

“Ano ang ginawa ko, ‘di ba? May inilalapit ka sa aking mga artista na hirap sa buhay. Ilan? Binigyan ko ng tig-isang milyon, ‘di ba?

“Gusto n’yo ng totohanan? During the pandemic, sinong tumutulong sa reporters? Sampung libo, buwan-buwan? Sino?

“Hindi ko kayo sinusumbatan. Ipinapaa­laala ko lang sa inyo! Dalawang taon, hindi ko pinutol ‘yan. Halos lahat ng supporters na inilapit mo sa akin, binibigyan ko ng 10 libo buwan-buwan.

“Bakit? Gusto ko lang makabili sila ng bigas. May nagpasalamat ba sa akin? Wala!”

“May isa naman, nagmamakaawa raw ako. Nagpapaawa ako. Hindi ako nagpapaawa!

“Nu’ng tatakbo kang konsehal, pumunta ka sa kuwarto ko sa Channel 2. Binigyan kita ng singkuwenta mil (P50,000). Natalo ka. Kilala mo kung sino ka. Aminin mo ‘yan!

“Tatlo kayong nagho-host, nagpapatawa ka. Baka nalimutan mo, binigyan kita ng P50,000, tatakbo kang konsehal. That was mga year 2000. Natalo ka!

“’Yan ang gusto n’yo na labanan? Hindi ko ikinukuwento ito pero tinitira niyo ako ngayon! Binigyan kita ng singkuwenta mil, tatakbo kang konsehal. Reporter ka! Sasabihin ko na lahat! 

“Gusto n’yo ng ganitong labanan? Naging mabait ako sa inyo. Wala kayong narinig sa akin. Kung ano ang kailangan n’yong tulong, ibinigay ko sa inyo!,”  bahagi pa ng litanya nito.

“Sige, tirahin niyo pa ako! Papangalanan ko na kayo kung sino kayo! Lahat ng inilapit niyo sa akin na mga artista na kailangan ng pera, hindi ko kayo tinanggihan! Lahat! Totoo ‘yan.

“Binigyan ko kayo ng tulong dati, nakalimutan niyo, tinitira niyo pa ako! Anong klaseng tao kayo?”

Walang tinutukoy na pangalan ang TV host pero maraming hula ang mga netizen.

Kaya ang running joke nila, ‘isoli na ang jacket na ‘yan.’ Pero ang mas nakakatawa ay si Willie na raw ang pinuno ng mga pa-victim.

Mabilis naman ang naging sagot ng katotong si Ogie Diaz tungkol sasinusumbat na P50K ng TV host. ““Kayo ang may utang na loob sa akin! Sabeeee???!!!! Sana, pagkatapos niyang manumbat ng mga naitulong at nagawa niya sa kapwa, gumaan ang pakiramdam niya. Nabunutan na siya ng tinik. ‘Yung wala siyang pinagsisisihan at pinaninindigan niya kasi para sa kanya, kailangan na niyang manumbat.

“In short, sana, na-happy siya sa kanyang ginawa.  At nakaginhawa sa kanyang mental health.

“Sino pa ang ibang nabigyan ng tulong niya? ‘Yung nabigyan ng jacket diyan? Behave kayo, ha? May baon ang lolo n’yo against you pag nangyari ‘yon.

“At wag kayong tatanggap ng anumang tulong o bigay o pabor, kung ayaw n’yong masumbatan balang-araw.

“Oh, by the way. ‘Yung 50k cheque noon, habang ibinibigay niya sa akin ay nakikita ng mga tao sa dressing room niya. Hiyang-hiya man ako eh tinanggap ko pa din.

“Tapos, idiniretso ko din sa Kasuso Foundation.  Naisip ko, mas kailangan ng mga breast cancer patients na itinataguyod namin ang pera kesa kailangan ko. 

“Thank you, ha? Malaking tulong ‘yon.

Ha? Ako? Kung may isusumbat sa kanya?

Wala. Hindi ko ugaling manguwenta. Hindi ko ugaling manumbat. Pag ginawa mo nang kusang loob at bukal sa puso ang isang bagay, nakakalimutan mo ‘yon as time goes by.  Kasi nga, naturalesa mo ang magbigay at maging mabuti sa kapwa.

“Alangan namang isa-isahin ko sa kanya ang pagtatanggol ko sa kanya noon eh ginawa ko naman yon nang kusang loob at deserve naman niyang maipagtanggol.

“‘Yun ba,  tatapatan ko pa ba ‘yon ng presyo?  Hindi na.

“Kulang ang 50k.  Baka abutin ‘yon ng 51k.”

Heart, grabe na ang kaseksihan

Ganda ni Heart Evangelista sa outfit niya para sa isang event ng kanyang endorsement. Croc-inspired na may butas sa tagiliran kaya parang wala siyang suot na undies.

Grabe ang kaseksihan ni Heart at parang mahirap ma-imagine na mabubuntis siya.

Kasalukuyan pa rin itong nasa bansa.

Sa Valentine’s day ang birthday ni Heart at inaasahang magkakaroon sila ng special date ng mister niyang si Sen. Chiz Escudero.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with