^

Pang Movies

Agot hiling na magka-jowa ngayong Christmas   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Agot hiling na magka-jowa ngayong Christmas              
Agot

Isa sa hiling ni Agot Isidro ngayong Christmas ay magkaroon ng love life. Bagama’t happy and complete naman daw ang feeling niya ngayon, siyempre, iba pa rin daw kung may kasama.

“Ano na ‘ko, eh, complete and I’m happy. Actually, I’m happy being alone but di ba, parang masaya rin ang may kasama,” sey ni Agot nang makatsikahan namin sa mediacon ng Family Matters.

“Hindi ko naman siya actively na hinahanap. It would be nice, it would be pleasant. It could be a gift,’ patuloy niya.

Kaylan niya naramdamam na ready na siya ulit na ma-in-love?

 “Actually, wala lang. Parang maybe siguro, it’s the holiday season kaya medyo nararamdaman ko ‘yung lungkot. Konti lang naman. Pero pag iniisip mo na baka naman hindi ibinibigay sa ‘yo dahil hindi ka pa handa. Actually, parang okay pa naman ako, being alone. But then, it would be nice,” aniya.

Pero choosy pa rin ba siya?

 “Oo. At this point, I will not compromise. Kasi okay naman nga ako,” she said.

When asked kung ano ba ang qualities talaga na gusto niya sa isang lalaki, sey ni Agot ay basta mabait at ‘yung hindi siya babaguhin.

“Matanda na ako, mahirap na akong magbago,” natatawa niyang sabi.

Matatandaang huling pinakilala ni Agot sa publiko na boyfriend niya ay ang dating Solicitor General na si Florin Hilbay. Hindi na malinaw kung kailan ba sila nag-break.

Nagpakasal ang aktres kay Manu Sandejas noong taong 2000 at na-annul naman noong 2010.

Samantala, proud and honored si Agot na makasama sa isa sa entries ng Metro Manila Film Festival 2022 na Family Matters with Noel Trinidad and Liza Lorena.

Sa trailer pa nga lang ay kitang-kita na mukhang hahakot din ito ng awards. At take note, in just a fews days ay nakakuha ang trailer ng  35-million+ views sa iba’t-ibang platforms.

Produced by  Cineko Productions, kasama rin sa cast ng Family Matters sina Nonie Buencamino, Mylene Dizon, James Blanco, Nikki Valdez, JC Santos, Ana Luna, Ina Feleo, Ketchup Eusebio, Roxanne Guinoo, at introducing, Ian Pangilinan. Ito ay mula sa direksyon bi Nuel Naval at panulat ni Mel Mendoza-del Rosario.

Ang kwento ng pelikula ay tungkol sa mag-asawang may edad na sina Francisco at Eleanor, at ang kanilang mga anak: ang successful na panganay na si Kiko; ang homemaker na si Fortune, ang single pa rin na si Ellen, at ang happy-go-lucky na si Enrico. Nabulabog ang kanilang buhay nang magdesisyon si Ellen (na nag-aalaga sa kanyang mga magulang) na magtungo sa US para subukang hanapin ang kanyang pag-ibig doon. Mababahala ang mga magkakapatid sa pag-alis ni Ellen at maghahali-halili sila sa pag-aalaga sa kanilang mga magulang, lalo na sa sakiting si Francisco.

Dahil sa mensahe ng pelikula, inapruban agad nina Mayor Enrico Roque at ng mga executive ng Cineko ang pitch nina Mel at Direk Nuel. Sakto sa panlasa ng Cineko ang family-oriented movie.

“Family drama ang kanilang hinahanap dahil matagal nang walang nagpo-produce ng ganito,” paliwanag ni Mel. “Nang mabasa ang script, nagustuhan agad. Halos walang comment. Binigyan kami ni Nuel ng kalayaan sa pagpili ng mga artista at sa paggawa ng pelikula.”

Ayon kina Mel at Direk Nuel, maski ano pa man ang edad, kasarian, o social status, makaka-relate ang bawa’t isa sa atin sa mga karakter sa pelikula.

Matet galit pa rin kay Nora

Obvious na masama pa rin ang loob ni Matet de Leon sa inang si Nora Aunor dahil may bago na naman siyang post tungkol sa Superstar.

In her Instagram Story, nagtanong si Matet kung bakit kaya lagi na lang silang inaaway ng nanay nila tuwing December.

“Bakit kaya tuwing December, inaaway kami ng Nanay namin. . .hahaha 2 years ago Kuya ko naman.. hahahaha Bakit kaya tuwing December?” sey ni Matet.

Few days ago ay matatandaang nag-rant si Matet kay Ate Guy dahil kinumpetensiya raw nito ang negosyo niyang gourmet tuyo and tinapa.

Sunod-sunod ang post ni Matet at nagsalita pa siya on YouTube ng kanyang mga hinaing.

Sa lahat ng ito ay wala pang sagot ang Superstar and knowing her, feeling namin ay hindi na siya sasagot.

AGOT ISIDRO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with