^

Pang Movies

Tom, pinaniwalaang bading dahil kay Dennis  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Tom, pinaniwalaang bading dahil kay Dennis           
Tom

Bading ba si Tom Rodriguez? Mabilis niyang sinagot iyan ng “No.” Isa iyan sa mga tsismis matapos silang maghiwalay ng kanyang asawang si Carla Abellana, na hindi namin pinaniwalaan.

May palagay kami na iyang tsismis na iyan ay nag-ugat lang sa isang serye na ginawa nila ni Dennis Trillo, kung saan pareho silang gay na na-in love sa isa’t isa. Alam naman ninyo ang tao kung minsan, dahil magaling ang arte ng mga artista sinasabi na nilang “kasi totoo.”

Si Tom bago pa man naging isang matagumpay na artista ay isa munang modelo. Siya si Bartolome Mott sa tunay na buhay, at alam naman ninyo ang modeling world, parang show business din iyan at matindi rin naman ang tsismis diyan. Kung iyang si Tom ay may “itinatagong sikreto” aba eh tiyak na bago pa man siya sumikat bilang artista buking na iyan.

Iyong isa ngang sikat na male star ngayon, nagulat kami sa tsismis na noon pa man daw ay madalas nang nakikita iyan sa private gay parties na ang karamihan ng attendees ay model at celebrities din. Kagaya rin ng dalawang male singers na madalas sa ganung parties.

Ang lakas ng tsismis sa grupong iyon, pero in fairness kay Tom wala kaming naririnig na ganyang tsismis kaya nga ang paniwala namin, nagsimula lang iyan dahil sa ginawa nilang serye noon ni Dennis. Ibig sabihin noon, magaling siyang artista dahil isipin mo nga may mga taong naniwala sa kanyang role.

Ayaw naming pangunahan kahit na sino, pero may idea rin kami ng tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay mula sa very reliable sources, at hindi ang pagiging gay ni Tom ang dahilan noon.

Sunshine, lumala ang depression

Dumaranas ng depression si Sunshine Dizon, at iyan ang dahilan kung bakit siya naka-confine sa isang ospital. Kung iisipin mo, bakit nga ba nagkaroon pa ng depression si Sunshine eh masayahing bata iyan. Lumaki iyan na naibibigay ng kanyang mga magulang ang lahat ng kanyang kailangan, at lahat ng kanyang magustuhan.

Lagi namang nakabantay sa kanya ang pamilya, lalo na ang ermat niyang si Dorothy Dizon. Hiwalay ang mga magulang niya pa pero hindi naman siya out of touch sa erpat niya.

Siguro nga ang masasabi nating unang blow na dumating sa buhay niya ay noong mahiwalay nga siya sa kanyang asawa. Medyo personal ang naging mabigat nilang problema na ayaw na nating ungkatin pa.

Medyo nagkamali rin ng diskarte sa career niya. Umalis siya sa GMA 7 at lumipat sa ABS-CBN, na nawalan naman ng prangkisa. Pero nagulat kami sa kanyang sinabi na minsan daw ay wala siyang kasama at nag-iisa lamang siya sa ospital. Minsan naman kasi takot ang mga taong magpunta sa ospital dahil sa COVID, pero sa kaso ni Sunshine, lalong nakakadagdag sa depression niya ang sitwasyong iyon.

Sana naman ay mabilis siyang gumaling, at matapos na ang mga problema niya.

Baguhang aktor, P3,500 lang ang tf sa isang indie film

Kawawa naman ang isang male newcomer. Kahit na saan siya magpunta, panay ang plug niya sa dalawang pelikulang indie na kung saan sinasabi niyang kasama siya, pero iyon pala extra lang siya at one shooting day lang sa naunang pelikula, at doon naman sa ikalawa ay halos ganoon din dahil two days lang siya kasali.

Halatang dismayado siya sa naunang pelikula, dahil sinasabi niyang pabiro na dapat talasan ang mata para makita ang eksena niya.

Pero in fairness, sinasabi pa rin niya sa mga tao na panoorin iyon. At take note P3,500 lang daw ang talent fee na ibinigay sa kanya sa mga pelikulang iyon. Pang-internet lang naman kasi eh.

TOM RODRIGUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with