^

Pang Movies

Tom, inaming ginustong tapusin ang buhay   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Tom, inaming ginustong tapusin ang buhay                
Tom

Kasalukuyan na palang inaayos nina Tom Rodriguez and Carla Abellana na mapawalang-bisa na rin ang kasal nila rito sa Pilipinas.

“We’re processing na rin naman the recognition sa Philippines to have it recognized also there to at least para both of us can truly be free,” ang pahayag ni Tom sa panayam sa kanya sa vlog ni Ogie Diaz.

As everybody knows ay divorced na ang mag-asawa sa Amerika since American citizen si Tom although dito sila sa Pilipinas ikinasal.

Nakapanayam ni Ogie si Tom sa Amerika kung saan naninirahan ngayon ang aktor matapos ang hiwalayan nila ni Carla.

Dumating daw siya sa Amerika noong March 13, 2022 dahil birthday and death anniversary ng kanyang ama. Dapat ay two weeks lang daw siya roon pero na-extend nang na-extend.

“Hindi naman siguro sikreto sa lahat that turbulence has been happening in my life,” ani Tom.

Nang dumating daw siya sa US, for six months ay hindi siya lumabas ng bahay o nagtrabaho.

“Sa Arizona lang ako with my family lang talaga. As in wala, hindi ako lumabas ng bahay. The only time na lumabas ako was for ano, kasama ko ‘yung best friends ko nung grade 7 pa ako,” kwento niya.

When asked kung kumusta na ang puso niya, sagot ng aktor, “it’s up in the air pa rin. Siguro it’s still healing. It’s on the process.”

Mahal pa ba niya si Carla?

“I think, even that is a tricky thing to say, kasi siyempre, hindi naman nawawala ‘yun agad, eh. Pero I think, as I am healing, it’s transforming into something else,” he said.

Inamin din ng aktor na sa tindi ng depression noon ni Tom ay dumating siya sa puntong gusto niyang tapusin ang buhay niya.

“In recent months ang tindi ng depression ko dumating ako sa point na ganu’n na I thought that was the only way out,” aniya.

Nang tanungin kung magmamahal pa siya, ani Tom ay open daw siya sa posibilidad nito.

“I thought I wouldn’t anymore but now I’m open to it. I’m open to the thought, that idea that life goes on,” saad ni Tom.

Ronnie at Loisa, natangayan ng dalawang cellphone ng basag-kotse gang

Nabiktima ng basag-kotse gang sa Bacoor, Cavite ang magdyowang sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio last Wednesday, Nov. 30.

Ayon sa report ni Dennis Datu ng ABS-CBN news ay ipinarada nina Ronnie at Loisa ang kanilang sasakyang Jeep Wrangler para kumain sa isang café.

Natangayan umano ng iPhone 11 at iPhone 13 ang dalawa nang basagin ng mga salarin ang middle right side window ng sasakyan.

Nangyari ang insidente sa Molino Road, Barangay. Molino 3, Cavite base sa report ng Bacoor City Police kung saan nag-file ng police report si Ronnie.

TOM RODRIGUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with