^

Pang Movies

Jennylyn, sigurado na ang pagbalik sa 2023!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sa 2023 na ang pagbabalik ni Jennylyn Mercado sa paggawa ng teleserye.

Nabanggit niya ito sa isang interview na sa first quarter of 2023 siya muling magiging aktibo sa pag-arte.

Kung matatatandaan ay natengga ang teleserye nila ni Xian Lim na Love. Die. Repeat dahil biglang nabuntis si Jen.

Sey naman ni Jen na babalikan niya ang nabitin na teleserye nila ni Xian Lim kaya nagbabalik-alindog ito ngayon.

Gusto ng misis ni Dennis Trillo na maging physically fit ito bago muling sumabak sa taping.

Hindi naman nabakante si Xian dahil kasalukuyang nagte-taping siya ng second teleserye niya sa GMA na Hearts On Ice with Ashley Ortega.

Kelan lang ay nag-post si Jen ng photo nila ni Baby Dylan habang nasa may swimming pool sila. Simula noong una nilang nilabas ang photo ng kanilang baby girl noong nakaraang Halloween, maraming netizen ang nag-aabang na sa mga ilalabas pang photos ni Baby Dylan.

Pinusuan ng maraming netizens ang cute na swimsuit ni Dylan with matching orange hat at sunglasses.

Ang bilis naman ng panahon dahil pitong buwan na si Baby Dylan at limang buwan na lang at mag-celebrate na ito ng first birthday sa April 2023.

Valeen, engaged na!

Tumalab ang pagpaparinig at pagpaparamdam ni Valeen Montenegro sa kanyang boyfriend na si Riel Manuel na gusto na niyang magpakasal. Heto at nag-propose na noong nakaaraang Nov. 24 si Riel kay Valeen.

Pinost ni Valeen ang special moment na ito sa kanyang Instagram na may caption na: “Easiest YES!!! What seemed to be an ordinary Thursday, unexpectedly turned into my favorite day. Ladies and Gentlemen.. my Beyoncé!”

Noong 2018 pa may relasyon sina Valeen at Riel.

Tuwing may ini-interview kasi si Valeen, lagi siyang tinatanong kung kelan na ito nagpaplano na mag-settle down? Laging sagot ni Valeen ay depende raw kung magpo-propose na sa kanya ang kanyang boyfriend, magpapakasal na raw ito agad-agad.
Sa grupo raw kasi nila sa Bubble Gang, si Valeen na lang ang hindi pa kinakasal tulad nina Chariz Solomon at Lovely Abella.

Kim Kardashian at Kanye West, nagkasundo na sa child custody at assets

Na-settle na ang divorce ng dating mag-asawang sina Kim Kardashian at Kanye West pagkaraan ng dalawang taon.

Ayon sa report ng TMZ, nagkaroon na ng agreement ang ex-couple tungkol sa child custody and assets.

Joint custody sila with equal access sa apat nilang anak na sina North, Saint, Chicago at Psalm.

Pumayag si Kanye na magbayad ng $2,000 per month in child support. Hati naman daw sila sa mga gastusin sa pag-aaral at security ng mga bata.
“As part of the settlement, the two will need to go through mediation if they can’t see eye-to-eye on anything regarding their children. If one party decides not to take part in mediation, the other party gets to make the decision by default,” ayon pa sa documents na pinirmahan ng dalawa.

Ang paghahati raw ng kanilang assets ay depende sa nilalaman ng kanilang prenup. Nasa prenup din nila ang pag-waive nila sa kanilang right to spousal support.
Declared “single” na si Kim ng korte two months after niyang i-file ang divorce papers. Pinatanggal na niya ang West sa kanyang pangalan.

Ito ang ikatlong divorce ni Kim. Una siyang nakipag-divorce sa first husband niya na si Damon Thomas noong 2004. Pangalawa ay kay Kris Humphries noong 2013. First divorce naman ito ni Kanye.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with